Duguan at may busal pa ang bibig nang matagpuan ang biktimang si Felimon Dela Cruz, ng Santos Avenue, Brgy. Zapote ng nasabing lungsod.
Landlord dinedo ng tenant
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 78-anyos na negosyante ang pinatay ng kanyang ‘bading’ na boarder matapos komprontahin ng una ang huli tungkol sa hindi nito pagbabayad ng upa, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Duguan at may busal pa ang bibig nang matagpuan ang biktimang si Felimon Dela Cruz, ng  Santos Avenue, Brgy.  Zapote ng nasabing lungsod. 

Hinahanting na ng pulisya ang suspect na si Francis Villareal, alyas Andrew.

Sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police,  alas-7:15  kahapon ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima  sa loob ng kanyang bahay sa nabanggit na lugar  ng kanyang kaibigan at kapitbahay na si Marcelino Ayera.

Ito’y matapos na mapansin ni Ayera   na  hindi lumalabas ng bahay ang biktima,  na laging  ginagawa nito tuwing umaga.

Kaagad na ipinagbigay alam ni Ayera sa mga awtoridad ang insidente.

Bago aniya natagpuan ang bangkay ng biktima, napag-alaman na nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspect dahil sa sinisingil na dalawang buwan na upa sa bahay ng suspect.

Nang matagpuan ang bangkay ng biktima ay wala na ang suspect maging ang mga gamit nito. (Lordeth B. Bonilla)

CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with