Kinilala ni MMDA EDSA Traffic Czar Bong Nebrija ang suspect na si Eddie Baraquel, ng Villa Imelda, Camarin Caloocan City.
File Photo
Pekeng traffic enforcer, arestado
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaking nagpanggap na traffic enforcer ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) ang inaresto habang sini-sita nito ang isang motoris-ta sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni MMDA EDSA Traffic Czar Bong Nebrija  ang suspect na si Eddie Baraquel, ng Villa Imelda,  Camarin Caloocan City.

Ayon kay Nebrija, alas-4:00 kahapon ng madaling araw nang arestuhin si Baraquel sa may Katipunan Avenue, malapit sa  Aurora Flyover, Quezon City.

Nabatid na napansin ng mga tauhan ni Nebrija habang nagmamantina sila ng daloy ng trapiko ay sinita ng suspect ang isang truck driver.

Nagduda ang dalawa dahil iba ang kulay ng uniform ng suspect at nang bigla nitong paalisin ang sinitang motorista.

Nang sitahin ng mga tra­ffic constable, napag-alaman na hindi nila kasamahan ang suspect at  isa itong pekeng enforcer.

FAKE TRAFFIC ENFORCER ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with