Kinilala ni QCPD Direc- tor P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga napatay sa mga alyas na Ian Diaz at Jessie; tinatayang pawang nasa pagitan ng 20-30 taong gulang, mga nakasuot ng short pants at t-shirts.
File Photo
2 karnaper todas sa shootout
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na karnaper na sangkot sa pagbebenta ng mga nakaw na motorsiklo ang napaslang matapos na kumasa sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa entrapment ope­ration na nauwi sa shootout sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni QCPD Direc- tor P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga napatay sa mga alyas na Ian Diaz at Jessie; tinatayang pawang nasa pagitan ng 20-30 taong gulang, mga nakasuot ng short pants at t-shirts.

Dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ng entrapment operation ang pulisya sa safehouse ng mga suspect sa Forestry sa panulukan ng Mines Street, Brgy. Vasra, Quezon City matapos silang makatanggap ng impormasyon tungkol sa talamak na  pagbebenta ng mga suspek ng mga nakaw na motorsiklo.

Nabatid na isang undercover agent ng QCPD ang nakipag-deal sa mga suspect na bibili ng motorsiklo na umano’y bagsak presyo sa halagang P15,000.

Gayunman, habang isinasagawa ang transaksyon sa bentahan ng motorsiklo sa lugar ay nakatunog ang mga suspect sa presensya ng mga pulis kaya agad ang mga itong nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout ng magkabilang panig.

Tumagal ang palitan ng putok ng ilang minuto kung saan magkasunod na bumulagta ang mga suspect.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang tatlong karnap na motorsiklo, isang cal .45 pistol, isang cal 38 revolver at mga bala, pitong plastic sachet ng shabu.

JOSELITO ESQUIVEL JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with