8 sasakyan nagkarambola: 1 sugatan
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Walong sasakyan ang nagkarambola at nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Samantala, isa ang sinasabing nasugatan na kaagad na dinala ng rescue team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pinakamalapit na ospital.

Sa report ng MMDA, alas-10:06 kahapon ng umaga naganap ang aksidente sa Southbound lane ng C5-Mckinley Road, Taguig City.

Nabatid na nagkarambola ang isang 22-wheeler truck, tatlong kotse, at pick-up, van, motorsiklo at bus.

Dahil sa aksidente,  ang ilan sa mga sasak­yan ang nagpatung-patong.

Nabatid sa tagapagsalita ng MMDA na si Asst. Secretary Celine Pialago, hinihinalang nawalan ng preno ang truck, na nagresulta ng karambola ng walong sasakyan.

Naitabi na sa bangketa ang mga sasak­yang sangkot sa aksidente, ngunit nagdulot ito nang napakabigat na daloy ng trapiko  mula Southbound ng C5 hanggang Ortigas Flyover.

ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with