Hiling na taas-pasahe, sinopla ng LTFRB
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sinopla ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng ilang transport group na ibalik sa P10 ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeepney dahil na rin sa pagtataas ng produktong petrolyo at pagpapa­tupad ng excise tax dito.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, hindi pa napapanahon ang pagtataas ng pasahe, provisional man o hindi, dahil nananatili pa rin namang stable  ang presyo ng diesel.

Nitong Lunes, ipinatupad ng mga gasolinahan ang second tranche ng excise tax sa produktong petrolyo alinsunod sa TRAIN law, kaya’t sumikad ang presyo ng diesel ng mula sa P38.59 ay naging P40.47 na kada litro, habang ang gasolina naman ay tumaas din.

LTFRB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with