^

Metro

16 arestado, 12 minor nasagip sa drug raid

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
16 arestado, 12 minor nasagip sa drug raid
Ang mga menor-de-edad na nasagip ng mga tauhan ng PDEA sa isinagawang raid sa drug den sa Navotas kung saan ang mga bata ang pinamamahala ng grupo ng ‘tulak’.
(Kuha ni KJ Rosales)

MANILA, Philippines — Nasa 16 katao kabilang ang isang notoryus na ‘tulak ‘ang nadakip, habang 12 mga menor-de-edad na siyang pinamamahala sa drug den ang nailigtas naman ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang operasyon sa isang squatter’s area sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Sinalakay ng PDEA    ang slum area sa may Market 3 sa loob ng Navotas Fish Port sa Brgy. North Bay Boulevard North dakong alas-10 ng umaga kung saan nadakip ang pangunahing target na ‘tulak’ na inisyal na nakilala lamang sa alyas Negro.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na nasa 16 matatanda kabi-lang na si Negro ang nadakip habang 12 kabataan may edad mula apat na taong gulang hanggang 15-anyos ang kanila namang nasagip. May isang buwan din umanong isinailalim sa surveillance ng kanilang intelligence team ang lugar bago ang pagsalakay.

Sa imbestigasyon, nadiskubre ng PDEA na ginagamit ng sindikato sa lugar ang mga bata para maging runner nila ng iligal na droga dahil sa batid nilang ligtas sa kasong kriminal sila kapag nadakip.

Nabatid din na mismong ang mga bata ang pinamamahala sa mga drug den sa mga barung-barong sa lugar para sa mga dumarayong parok-yano. Ilan sa mga bata ang umamin na gumagamit din sila ng droga dahil sa nakiki-iskor sila sa mga parokyano.

Tinataya naman na nasa 44 na plastic sachet ng shabu ang narekober ng mga pulisya sa iba’t ibang barung-barong na ginagawang drug den.

Nakatakda namang ipasa ng PDEA ang kustodiya sa mga nasagip na bata sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang doon sila iproseso.

vuukle comment

DRUG RAID

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with