^

Metro

Sunog sa Maynila: 3 patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Maynila: 3 patay
Nakilala ang mga biktima na sina Lynn Rose Valentine, 50; Sibjordan Valentine, 26 at Grenre Tropicales, 17 na pawang mga residente ng 658 Doña Maria St. Sampaloc, Maynila.
File Photo

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang iniulat na nasawi  matapos na ma-trap at ma-suffocate sa loob ng kanilang nasusunog na bahay kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang mga biktima na sina Lynn Rose Valentine, 50; Sibjordan Valentine, 26 at Grenre Tropicales, 17 na pawang mga residente ng 658 Doña Maria St. Sampaloc, Maynila.

Sa panayam kay F/Sr. Insp Reden Alum­no, ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-6:17 ng umaga at  mabilis na kumalat sa buong bahay. Agad din naman itong naideklarang fire-out dakong alas-6:47 ng umaga.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng BFP na  faulty  electrical wiring ang  dahilan ng  sunog na nagmula sa kisame ng ikalawang palapag na bahay.

Ayon sa  survivor na si Roselyn Salcedo, anak ni Lyn Rose, nasa unang palapag siya ng bahay nang kumalat ang usok. Bagama’t masakit ang kanyang  mata pinilit niyang makalabas ng  bahay. Nagtamo ito ng mga pasa sa braso at kamay.

Hinala ng awtoridad, nahirapan na makababa at makalabas ng bahay ang mga biktima na nasa ikalawang palapag dahil sa maraming nakaharang sa mga dadaanan.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP.

vuukle comment

SAMPALOC FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with