^

Metro

Rafael Baylosis, abswelto sa mga armas at bomba

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rafael Baylosis, abswelto  sa mga armas at bomba
F) na si Rafael Baylosis. Ginawa ang pagbasura sa kaso ni Baylosis matapos na katigan ng korte ang inihain niyang demurrer of evidence o pagbasura sa kaso dahil sa kawalan ng ebidensiya ng prosekusyon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inabswelto ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa kasong illegal possession of firearms and explosives ang  consultant ng National Democratic Front (NDF) na si Rafael Baylosis.

Ginawa ang pagbasura sa kaso ni Baylosis matapos na katigan ng korte ang inihain niyang demurrer of evidence o pagbasura sa kaso dahil sa kawalan ng ebidensiya ng prosekusyon.

Bukod kay Baylosis, ibinasura din ang kaso sa kapwa akusado nito na si Roque Guillermo.

Base sa desisyon ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) branch 100 Judge Editha Aguba , ipinag -utos niya na pakawalan si Baylosis kung wala na itong ibang kinakaharap na kaso at payagan din na mabawi ni Guillermo ang P120,000 cash bond niya.

Magugunita na ang dalawa ay unang naaresto ng mga awtoridad noong Pebrero 2018 sa Katipunan Avenue kung saan nakumpiska umano mula sa pag-iingat nila ang ilang baril, granada at mga  bala.

Ayon kay Judge Aguba, ilegal ang naging pag- aresto kay Baylosis kaya ang nakumpiska sa mga ito ay hindi maaaring gawing ebidensya laban sa kanila. Bukod dito,  pinuna rin ng hukom ang magkakaibang testimonya ng mga umarestong miyembro ng pulisya.

vuukle comment

RAFAEL BAYLOSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with