^

Metro

AWOL na pulis, itinumba sa harap ng bahay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
AWOL na pulis, itinumba sa harap ng bahay
Ang biktima ay nakilalang si PO3 Glen Bognot, 47, ng Block 14, Lot 15 Bistek VIII St., Brgy. Kaligayahan, Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Todas ang isang Absent Without Official Leave (AWOL) na miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa tapat ng kanyang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si PO3 Glen Bognot, 47, ng Block 14, Lot 15 Bistek VIII St., Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Nabatid na ang huling assignment bilang pulis ng biktima ay sa Anti-Carnapping Unit ng Quezon City Police District (QCPD) hanggang mag-AWOL sa trabaho. 

Sa imbestigasyon na isinagawa ni PO1 Lheenard Ray Memoracion, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-8:14 ng gabi sa harap ng bahay ng biktima.  

Ayon sa report, naninigarilyo ang biktima nang pumarada sa kanyang harapan ang isang motorsiklo na sakay ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek at agad itong pagbabarilin.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang dalawa na hindi namukhaan dahil kapwa nakasuot ng helmet at itim na jackjet.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa ngayon  ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang dalawang salarin.

vuukle comment

POLICE KILLED BY RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with