^

Metro

Biyuda todas sa tandem

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 57-anyos na biyuda ang pinagbabaril at napatay  ng riding in tandem habang nakikipagkuwentuhan sa kanilang kapitbahay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Tondo General Hospital ang biktimang si Elvira Valero, taga Bldg. 17 Permanent Housing Tondo, Maynila na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Ayon kay PO2 Mark de Guzman, imbestigador ng Manila Police District-homicide section,dakong alas -7:16 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.

Nabatid kay Rose Valerio Rabelas, anak ng biktima dakong alas- 6 ng umaga nang makita niyang kumakain ng agahan ang kanyang nanay at kasunod nito ay tinawag ito ng kanilang kapitbahay na si Macmac Pacsoderon.

Nakikipagkuwentuhan umano ang biktima kay Pacsoderon nang duma­ting ang dalawang suspek nakasakay ng motorsiklo.

Dito na umano pinagbabaril ang biktima at nang makitang napuruhan ay mabilis na tumakas ang mga suspek. Isinugod naman sa pagamutan ang biktima na idineklarang dead on arrival dakong alas- 7:50 ng umaga.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpaslang.

vuukle comment

KILLED BY RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with