^

Metro

Mga bala at nakuhang baril tugma

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tugma ang mga bala at baril na nakuha ng mga awtoridad na ginamit na pagpatay sa gold medalist bowler na si Angelo Na­thaniel Constantino.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director, P/Chief Supt. Bernabe Balba, lumitaw sa isinagawang pagsusuri ng kanilang Crime Laboratory na ang apat na spent shells at apat na fired bullet slugs na na­rekober nila sa crime scene ay nag-match sa kalibre .45 na baril, na natag­puan nilang abandonado sa basement parking ramp malapit sa entrance gate ng E-Bowling lanes center na matatagpuan sa Barangay Greenhills, San Juan.

Tiniyak naman ni San Juan police chief Sr. Supt Dindo Reyes na hindi sila titigil sa investigation hanggat nila natutukoy at nadarakip ang mga salarin ni Constantino.

Ang pahayag ni Reyes ay kanyang ginawa matapos humiling ang pamilya ng biktima ng ‘privacy’ o katahimikan sa kanilang pagluluksa.

“Ang sabi ng pamilya sa akin ay mabuting tao si Cons­tantino at wala silang alam na kaaway kaya naniniwala silang makukonsensiya ang sino mang may kagagawan ng krimen,” ani Reyes. 

Magugunitang ang 52-anyos na si Constantino ay pinagbabaril habang nagmemeryenda sa isang cafeteria sa loob mismo ng naturang bowling center, kung saan siya ang nagsisilbing general manager.

vuukle comment

EASTERN POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with