^

Metro

4 ‘Ativan’, timbog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ng mga tauhan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD—GAIS) ang apat na miyembro ng ‘Ativan gang’ sa Sampaloc, Maynila.

Kasalukuyang  nakapiit sa MPD-GAIS ang mga suspek na sina  James Soriano,54; Michelle Wenceslao, 34; Analyn Castro, 39; at Elma Matas, 39.

Ayon kay P/Chief Insp. Henry Navarro, hepe ng MPD-GAIS dakong alas-7 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa may Ibarra St. Blumentritt, Sampaloc, Maynila matapos  ang ibinigay na impormasyon ng isang testigo.

Lumilitaw sa rekord na Enero 13 nang  kaibiganin ng mga suspek ang biktimang si Li Wei Yang, 35, na Chinese  national at nanunuluyan sa Makati Avenue, Makati City habang namamasyal sa may Intramuros at yayain na makipag-inuman sa kanila.

Huli na  nang  malaman ng  biktima na ang alak na ibinigay sa kanya ng mga suspek ay  may Ativan tablet na ikinahilo ng una. Nagawa ng mga suspek na makuha ang ATM card ng biktima at nagkaroon ng mga hindi awtorisadong withdrawal na umabot sa mahigit P100,000.

Nabatid pa sa pulisya na ang mga suspek ay dati nang nasangkot sa  serye ng pag-ativan sa ilang mga dayuhan at may mga kaso na ring naisampa laban sa mga ito sa hukuman.

vuukle comment

ATIVAN GANG ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with