^

Metro

‘Jericho Rosales’. 1 pa kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang lalaki na kapangalan ng aktor na si Jericho Rosales at isa niyang kasamahan habang sa ospital ang kinasadlakan ng isa pa makaraang sumiklab ang gulo sa masaya sana nilang inuman ng alak, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakakulong ngayon sa Valenzuela Detention Center ang mga suspek na sina Jericho Rosales (hindi ang aktor), 23, tubero; at si Michael Givera, 22, kapwa nakatira sa Northville 2, Brgy. Bignay, ng naturang lungsod.

Pinaghanap naman ng mga pulis ang isa pang suspek na si Joshua Jake Ramos, alyas Jekjek na siyang itinuturong sumaksak sa biktimang si Rafael Diologo, 23. 

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa tapat ng bahay ni Ramos sa may Block 35 Northville 2, Brgy. Bignay kung saan nag-inuman ang grupo bilang selebrasyon sa kaarawan ng kapatid niya.

Sa gitna ng inuman, bigla umanong nagtalo si Ramos at ang kanyang kapatid na may kaarawan. Agad namang pumagitna ang kanilang mga kasamahan upang umawat ngunit lalo lang lumala nang sila-sila ang magkapikunan. Dito pinagtulungan umanong bugbugin, paluin ng bato at saksakin nina Ramos at Givera si Diologo.

 Matapos ang pananaksak, tumakas sina Ramos at Givera habang isinugod sa pagamutan si Diologo.  Agad namang nadakip si Givera habang tuluyang nakapulas si Ramos. Ngunit hindi pa dito nagtapos ang gulo nang magwala naman si Rosales nang makitang duguan ang kanyang pinsan na si Diologo at pinagbabato ang bahay ng pamilya Givera. Dito rin siya inaresto ng mga pulis.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with