Ang biktima ay kinilalang si Emilio Corpuz Leomo, 54, tubong Camarines Sur at nakatira sa Steve St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Edd Gumban
Mister na nagpapa-5-6, tinodas
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang araw matapos na magbanta si Pangulong Digong sa mga nagpapa-5-6, isang mister na nagpapautang ang pinagbabaril at napatay  ng hindi pa nakikilalang suspek sa Commonwealth Market  sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Emilio Corpuz Leomo,  54, tubong Camarines Sur at nakatira sa   Steve St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Si Leomo  ay namatay noon din   dahil sa tinamong mga tama ng bala ng kalibre .38 baril sa iba’t  ibang bahagi ng katawan.

Nang masigurong patay na ang biktima ay parang walang nangyaring naglakad lamang papalayo sa crime scene ang  suspek na nakasuot ng  itim na jacket, itim na sumbrero, nakasuot ng maong na pantalon at nakatakip ng black bonnet ang mukha.

Nabatid mula kay P/Supt. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station 6, ang krimen ay naganap dakong alas-6:00 ng umaga sa stall 19 ng Commonwealth Market.

Ayon sa saksi, nakita  niya ang suspek na basta na lamang dinikitan at pinagbabaril ang naglalakad na biktima. Sa nga­yon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng krimen.

Naganap ang pagpatay sa biktima isang araw matapos sabihin ng Pangulong Duterte na dapat ay patayin ang mga nagpapautang ng 5-6 dahil ginigipit nila ang mga taong gipit na sa pera. 

CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with