Ang naturang programa ay tinaguriang Express Lane  Ope­ration (ELO), ay  base  sa ilalim ng  Republic Act No. 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018) na nilagdaan ni Pangulong Duterte.

businessworld
Express Lane Operation, umarangkada na sa Parañaque
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kaugnay ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, pormal nang inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Para­ñaque ang integrated business permit renewal system para mas mapadali ang serbisyo sa mga lokal at dayuhang investors.

Ang naturang programa ay tinaguriang Express Lane  Ope­ration (ELO), ay  base  sa ilalim ng  Republic Act No. 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018) na nilagdaan ni Pangulong Duterte.

Sabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang paglulunsad ng naturang proyekto ay may positibong epekto sa ekonomiya ng lungsod dahil umaasa silang mas maraming negosyo ang magpaparehistro rito.

Sa bagong programa ay hindi na aniya kailangan pang magtungo ang isang negosyante sa barangay para humingi ng clearance para sa i-aapply nitong business permit.

Ang Project ELO ay matatagpuan sa bagong renovated na Taxpayers Lounge ng Business Permits and Licensing Office (BPLO).

 “This integrated and simplified process eliminate days of back and forth from the barangay and to other department of the city which the time and resources of business permit applicants,” ani Olivarez.

Sa paglulunsad aniya ng naturang programa nitong Enero 3 lumubo aniya ng P81 million ang koleksiyon kumpara nitong 2018 na nasa  P46 million, ayon kay BPLO chief Melanie Malaya.

EXPRESS LANE OPE­RATION RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with