Sa advisory ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), sa Enero 7 o Lunes pa lamang ay magsisimula nang ipatupad ang pagsasara ng kalye para sa isasagawang pagbabasbas at prusisyon para sa mga replica ng Nazareno.
Edd Gumban
Re-routing at road closure, inilatag sa Traslacion
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Katulad ng mga nakaraang Traslacion ng Itim na Nazareno, ipatutupad ang rerouting dahil sa pagsasara ng mga kalsada upang bigyang-daan ang prusisyon na inaasahang dadagsain ng milyong deboto.

Sa advisory ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), sa Enero 7 o Lunes pa lamang ay magsisimula nang ipatupad ang pagsasara ng kalye para sa isasagawang pagbabasbas at prusisyon para sa mga replica ng Nazareno.

Simula alas-11:00 ng umaga ay sarado ang southbound lane ng Quezon Boulevard (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda, at ang westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street.

Kasabay ng pagsasara ng ilang kalye ay ang traffic rerouting  sa araw ng Lunes.

Lahat ng sasakyang mula sa España Boulevard na nais magtungo sa Roxas Blvd./South Pier Zone/Taft Ave. ay dapat na kumanan sa P. Campa, diretso sa Fugoso Street, patungo sa kanilang destinasyon habang ang mga sasak­yan namang nais na dumaan sa Quezon Boulevard, mula sa A. Mendoza Street, ay dapat na kumanan sa Fugoso, kaliwa sa Rizal Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Samantala, para naman sa Martes, Enero 8, na bisperas ng pista ng Quiapo, at kung kailan sisimulan ang pagdaraos ng vigil o “pahalik” sa imahe ng Itim na Nazareno, ay magkakaroon rin ng road closures at traffic rerouting.

Alas-5:00 ng madaling araw ay isasara na rin ang Katigbak Drive, South Drive at Independence Road.

Ang mga sasakyan naman na mula sa Bonifacio Drive at P. Burgos, na nais na dumaan sa Independence Road, ay dapat na dumiretso sa Roxas Boulevard patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga sasakyan naman na magmumula sa Roxas Boulevard at TM Kalaw, na nais dumaan ng Indepen­dence Road, ay dapat na dumiretso sa Roxas Boulevard hanggang sa kani-kanilang patutunguhan habang ang mga sasakyang patungo ng Manila Hotel at H2O Hotel ay may one lane-access sa Katigbak Drive.

Bilang paghahanda naman sa Traslacion, mula alas- 10:00 ng gabi ng Martes  naman ay sarado rin ang mga kalsada sa Katigbak Drive at South Drive, ngunit may isang one lane-access patungong Manila Hotel at H2O Hotel; northbound lane ng Quezon at McArthur Bridge mula Bonifacio Shrine, at Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang  Bonifacio Shrine.

Sa mismong araw ng Traslacion sa Miyerkules,  Enero 9, ganap na alas-12:00 ng madaling araw ay sisimulan na ring isara sa daloy ng trapiko, ang kahabaan ng McsArthur, Jones at Quezon Bridge; Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang TM Kalaw Street; magkabilang linya ng Quezon Boulevard (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso St. at España Ave / P. Campa St. para sa southbound at mula Taft Avenue/Ayala Blvd para sa northbound.(Ludy Bermudo)

BLACK NAZARENE TRASLACION 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with