Humihimas na ngayon sa rehas ang mga dinakip na sina Celso Dumaguing, 51, Esterlita Dumaguing, 60, na kapwa nakatira sa Brgy. Masambong; Ricardo Repaso, 46, Epefania Ilagan, 55, Ernesto Supera, 35, Maricel Añonuevo, 36, Cirilo Curit, 59 at Rolando Nastor, 58 na pawang residente ng Valenzuela City.
Miguel de Guzman
8 ‘alagad’ ni Elly Pamatong, inaresto sa Quezon City
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ng mga otoridad ang 8 katao na sinasabing mga ‘alagad’ ni Atty. Elly Pamatong dahil sa kasong ‘inciting to sedition at  ‘unlawful’ na paggamit ng police at milatary uniform habang namimigay ng mga polyeto na naglalaman ng ‘seditious message’ laban sa pamahalaan, sa Quezon City, kamakalawa ng tanghali.

Humihimas na ngayon sa rehas ang mga dinakip na sina Celso Dumaguing, 51, Esterlita Dumaguing, 60, na kapwa nakatira sa Brgy. Masambong; Ricardo Repaso, 46, Epefania Ilagan, 55, Ernesto Supera, 35,  Maricel Añonuevo, 36,  Cirilo Curit, 59 at  Rolando Nastor, 58 na pawang residente ng Valenzuela City.

Inaresto ang mga suspek dakong alas-11:30 ng tanghali  sa Bonny Serrano corner 15th Ave., Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City.

Ayon kay QCPD station 7 commander P/Supt Giovanni Hycenth Caliao, dinala ang mga suspek sa presinto at sinamsam ang mga bundles ng flyers na pirmado ni Atty. Elly Pamatong alyas ‘Ragen Lao Pamatong’.

Si Pamatong ay kilalang abogado at pulitiko na ‘self-proclaimed’ na Pangulo ng Pilipinas na palagiang kumakandidato tuwing election pero idinidiklarang nuisance candidate ng Commission on Election.

ARRESTED INCITING TO SEDITION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with