937 âpalaboyâ nasagip sa MM
Sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na matapos ang 124 operas­yon na ginawa nila mula Disyembre 11 hanggang kahapon ng umaga ay 562 menor ang kanilang na-rescue, na halos 60 porsiyento ng kabuuang bilang.
937 ‘palaboy’ nasagip sa MM
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — May kabuuang 937 na ang bilang ng mga ‘pala­boy’ na indigenous people (IP) o katutubo na duma-ting sa Metro Manila upang manghingi ng limos tuwing panahon ng Kapaskuhan ang na-rescue ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na matapos ang 124 operas­yon na ginawa nila mula Disyembre 11 hanggang kahapon ng umaga ay 562 menor ang kanilang na-rescue, na halos 60 porsiyento ng kabuuang bilang.

Habang ang matatandang IPs naman ay may kabuuang 375 o 40.02 porsiyento.

Sa kabuuan ng 937 IPs, 210 dito ay mga Aetas, 135 ay mga Badjao, habang 592 ay mula sa ibang tribo.

Karamihan sa na-rescue ay mula sa Manila Police District (MPD) na 335, ang 214 dito ay nasa DSWD na, 18 ay nanatili na sa Manila Boys Town, 50 ay na-turn over na sa barangay offices, 29 ay nakasuhan dahil sa paglabag sa city ordinances.

Habang sa Quezon City kung saan 332 ang na-rescue, 142 ang dinala sa DSWD sa Jose Fabella Center sa Mandaluyong habang 180 ang na-turnover sa barangay offices.

Sa Southern Police District (SPD) na-turned over na ang 153, 197 ang nasagip ng barangay officials, habang 41 ang ngayon ay nasa ila­lim ng kustodiya ng DSWD habang sa area ng Eastern Police District (EPD), 57 ang na-rescue at sa naturang bilang 19 ang nabigyan ng warnings at 36 ang na-turn over sa DSWD.

Sa Northern Police District (NPD), tatlo ang nabigyan ng warnings habang 23 ang dinala sa DSWD offices.

Sinabi pa ni Eleazar na ang operasyon ay para sa implementasyon ng Presidential Decree No. 1563 o ang Mendicancy Law of 1978.

INDIGENOUS PEOPLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with