Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ang mga siyudad aniya na may ordinansa para payagan ang “one way parking”, partikular ang mga business establishments na walang paradahan ay exempted o hindi kasali sa pagtataas ng multa para sa paglabag sa illegal parking, na ipatutupad na sa Enero 7, 2019.
File
Business establishments, exempted sa taas-multa sa illegal parking
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinahayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na exempted ang mga business establishments sa fine increase para sa illegal parking.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ang mga siyudad aniya na may ordinansa para payagan ang  “one way parking”, partikular ang mga business establishments na walang paradahan ay exempted o hindi kasali sa pagtataas ng multa para sa paglabag sa illegal parking, na ipatutupad na sa Enero 7, 2019.

Sinabi ni Garcia, na ito ay dahil nais nilang huwag maapektuhan ang negosyo ng mga ito, gayundin ang income ng city government, na ang serbisyo ay para sa kapakanan ng mga residente.

“You need to balance the business side. May mga business establishment kasi na walang parking sa harap. ‘Pag ‘yan pinagbawal lahat, maging strict ka, mamatay ang negos­yo; ‘pag namatay ang negosyo, maapektuhan ang LGUs at mga access. Public service nila, maapektuhan din. So you need to balance,” ayon kay Garcia.

Ayon pa kay Garcia, na ang mga business establishment na exempted sa bagong polisiya ng MMDA ay dapat aniyang ikonsulta nito sa LGU na nakakasakop dito upang malaman kung aling establisimento ang  pinapayagang magparada sa kalsada bilang kanilang par-king area.

Nilinaw din ni Garcia, na ang sakop lamang aniya sa exemption ay ‘yung city ordinance at hindi ang barangay ordinance.

Nabatid pa kay Garcia, mariin nilang sinusuportahan ang panukala ng ilang mambabatas na sinusulong ang ‘no car, no garage policy’ dahil malaki aniya ang maitutulong nito sa traffic reduction ng Metro Manila.

ILLEGAL PARKING METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with