Ito ay makaraang manawagan si Belmonte sa lahat ng QC Councilors na ibigay lahat ng posibleng tulong sa naturang mga manggagawa ng kanilang barangay upang makatanggap sila ng mga nasa-bing benepisyo.
SSS, Philhealth benefits pangako ni Joy B sa street sweepers sa QC
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangako si Quezon City Vice Mayor Joy Bel­mon­­te sa mga street sweeper sa lungsod na ma­­tatanggap nila ang mga benepisyong hatid ng Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Inc. (PhilHealth).

 Ito ay makaraang manawagan si Belmonte sa lahat ng QC  Councilors na ibigay lahat ng posibleng tulong sa naturang mga manggagawa ng kanilang barangay upang makatanggap sila ng mga nasa-bing benepisyo.

“Every street sweeper in Quezon City should be enrolled in SSS and PhilHealth. Your occupation is hazardous to your health. You are prone to various diseases, that’s why we will ensure that all of you will receive medical benefits, I’m also calling the attention of our city councilors. You should not forget to allocate funds for the health insurance of every worker in your own barangay. Be conscious that no one will be left out. Everyone has to be covered by these basic benefits,” sabi ni Belmonte.

Binanggit din ni Belmonte ang programang AlkanSSSya ng SSS na sa tingin niya ay makatutulong sa mga maliliit na manggagawa dahil hindi na sila kailangan pang kaltasan nang malaki sa kanilang buwanang suweldo.

 “The SSS has this program wherein you will be given piggy banks where you can deposit your contributions for as low as P12 every day. So at the end of the month, you will have P360 which then you can deposit to SSS as your monthly contribution,” diin pa ni Belmonte. Anya, kailangan ding pataasin ang morale ng mga street sweeper sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos at malinis na uniporme na ipagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa susunod na taon.

JOY BEL­MON­­TE STREET SWEEPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with