Batay sa abiso ng MRT-3, dakong alas-5:56 ng gabi nang maganap ang unloading incident sa Cubao Station matapos na dumanas ng electrical failure ang motor ng isang southbound train nito.
Tren ng MRT-3, nagkaaberya: 900 pasahero, pinababa
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkaaberya ang isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na nagresulta sa pagpapababa ng may 900 pasahero nito sa area ng Quezon City, kama­kalawa ng gabi.

Batay sa abiso ng MRT-3, dakong alas-5:56 ng gabi nang maganap ang unloading incident sa Cubao Station matapos na dumanas ng electrical failure ang motor ng isang southbound train nito.

Matapos naman ang may siyam na minuto ay nakasakay rin kaagad sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa kanilang mga pasahero at tiniyak na kaagad na isasailalim sa preventive maintenance at replacement ang mga electrical components ng nasirang tren.

METRO RAIL TRANSIT LINE 3
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with