^

Metro

Makati fire: 300 bahay naabo, 600 pamilya apektado

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Makati fire: 300 bahay naabo, 600 pamilya apektado
Sa report na natanggap ng hepe ng Makati City Police na si Senior Superintendent Rogelio Simon, nagsimula ang sunog ala-1:08 kahapon ng madaling araw mula sa ikatlong palapag ng Tucio Apartment, na nasa Laperal Compound, Brgy. Guadalupe Viejo ng naturang lungsod.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 600 pamilya ang na­walan ng tirahan matapos masunog ang nasa 300 kabahayan, habang tatlo ang nasugatan kaha­pon ng madaling araw sa Makati City.

Sa report na natanggap ng hepe ng Makati City Police na si Senior Superintendent  Rogelio Simon, nagsimula ang sunog ala-1:08 kahapon ng madaling araw mula sa ikatlong palapag ng Tucio Apartment, na nasa Laperal Compound, Brgy.  Guadalupe Viejo ng naturang lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa dikit-dikit ang mga kabahayan sa lugar kung saan karamihan ay gawa sa light materials.

Sabi ni District 3 fire marshall Supt. Jerry Berte, mga alas-4:20 ng umaga nang ideklara nilang  fire-out ang insidente.

Umabot sa ‘Task Force Bravo’ ang alarma ng sunog.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng arson investigator ng Makati City BFP ang sanhi ng sunog at kung magkanong halaga ng mga ari-arian  ang napinsala.

vuukle comment

MAKATI CITY FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with