Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang suspek na si Fermin Cieleos, 45, residente ng Brgy. Sauyo, QC.
File Photo
Patung-patong na kaso vs rider nahuli sa checkpoint
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang lalaki nang magmaneho ng motorsiklo na may blinker at walang plaka, nagsuot pa ng police uniform at nahulihan pang nag-iingat ng baril at patalim, sa isang checkpoint sa Brgy. Pansol, Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang suspek na si Fermin Cieleos, 45, residente ng Brgy. Sauyo, QC.

Si Cieleos ay naa­resto ng mga tauhan ng Anonas Police Station (PS 9), na pina-mu­munuan ni P/Supt. Cipriano Galanida, sa isang checkpoint sa Balara Filter 1, Brgy. Pansol.

 Nauna rito, nagsasagawa ng checkpoint sa lugar ang mga pulis nang mapuna ang suspek na nagmamaneho ng Yamaha motorcycle, na may blinker at walang plaka, at nakasuot pa ng police green camouflage upper uniform, kaya’t sinita ito.

 Nang kapkapan, ay nahulihan rin ng isang Norinco caliber .45 pistola na may 13-bala sa beywang ang suspek, at wala itong maiprisintang kaukulang dokumento kaya’t kaagad na inaresto.

Mga kasong pag­labag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), Article 179 ng Revised Penal Code (Illegal Use of Police Uniforms and Insignia) at City Ordinance 5121 (Concealing of a Bladed Weapon) ang kakaharapin ng suspek.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with