Dalawang tama ng bala sa ulo ang agarang ikinasawi ng biktimang si Winifred Cabildo Maramag, 44, ng Brgy. Llano, Zuniga Drive, Caloocan City, habang mabilis namang nakatakas ang di pa kilalang salarin matapos ang krimen.
Pintor binaunan ng bala sa ulo, patay
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ng nag-iisang gunman ang isang pintor sa loob ng palengke sa Quezon City, kahapon ng madaling araw sa kabila nang paninikluhod at pagmamakaawa nito para sa kanyang buhay.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang agarang ikinasawi ng biktimang si Winifred Cabildo Maramag, 44, ng Brgy. Llano, Zuniga Drive, Caloocan City, habang mabilis namang nakatakas ang di pa kilalang salarin matapos ang krimen.

Nabatid na dakong alas-12:18 ng madaling araw, nang maganap ang krimen sa Austria Market, na matatagpuan sa panulukan ng Austria St. at General Luis St., sa Brgy. Novaliches Proper, sa Novaliches.

Unang narinig ang pag-alingawngaw ng putok ng baril kung saan nakita ang biktima na duguang nakaluhod at tila nagmamakaawa sa di nakilalang suspek upang huwag siyang patayin.

Gayunman, hindi pinakinggan ng suspek ang paninikluhod ng biktima at pinaputukan ito ng dalawang ulit sa ulo, na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay nag­lakad lamang na umalis sa lugar ang suspek, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Masusi namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman, gayundin ang kanyang motibo sa pamamaslang sa biktima.

ARTIST SHOT DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with