Dahil sa impact nang pagkakabundol, tumilapon ng ilang metro ang babae at bumagok ang ulo sa sementadong kalsada at nabalian pa ng mga buto.
Bebot, lasog sa bundol
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang babae ang nasawi matapos na mabundol ng isang van habang tumatawid sa kalsada sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, patungong-norte ang puting Toyota Hi Ace van, na minamaneho ni Ernesto Manapo Jr., 56, residente ng Sindalo St., Agoho, Project 3, QC, nang tumawid at mahagip ang biktima dakong alas-9:30 ng gabi, sa area ng eastbound ng Kamias Road, Brgy. Kamias, Quezon City.

Kwento naman ni Manapo, papauwi na siya ng bahay nang maganap ang aksidente.

Katwiran nito, hindi naman mabilis ang kanyang pagmamaneho at sadyang hindi lamang niya nakita ang babae nang bigla itong tumawid dahil madilim ang lugar.

Dahil sa impact nang pagkakabundol, tumilapon ng ilang metro ang babae at bumagok ang ulo sa sementadong kalsada at nabalian pa ng mga buto.

Aminado naman ang mga residente sa lugar na takaw-aksidente ang lugar dahil masyadong madilim doon.

Umapela pa sila sa mga awtoridad na malagyan ng ilaw ang lugar at ng mga signage na accident-prone area ang lulgar.

Nasa kustodiya na ng Que­zon City Traffic Sector si Manapo, na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with