Ito ay batay sa latest poll survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc. noong nakaraang Nobyembre 16 hanggang 20 mula sa 1,800 botante.
Boy Santos
Belmonte, nanguna sa latest survey
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung ngayon gaganapin ang eleksyon, tiyak na mananalo si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte bilang alkalde sa lungsod laban kay 1st District Representative Vincent Crisologo.

Ito ay batay sa latest poll survey na isinagawa  ng Publicus Asia Inc. noong nakaraang Nobyembre 16 hanggang 20 mula sa  1,800 botante.

Sa survey na ito, nakakuha si Belmonte ng  59 percent habang  17 percent ang  nakuha ni Crisologo habang ang iba pang kandidato sa naturang posisyon ay nakakuha ng dalawang porsiyento.

Nangangahulugan na kung ngayon gagawin ang halalan, milya-milya ang magiging lamang ni Belmonte sa kanyang mga katunggali.

“I’m very thankful to God and to our constituents for this positive response. We have a long way to go, but I am confident that my call for better governance and inclusive development will be heard loud and clear,” ani Belmonte.

Ang plataporma ni Belmonte, na kasalukuyang nasa ikatlong termino bilang bise-alkalde, ay ang pagsusulong ng mga serbisyong pantao sa lungsod.

Para naman sa mga tumatakbong vice mayor ng QC, nangunguna sa survey si Councilor Gian Sotto na  ka-tandem ni Belmonte na  nakakuha ng 42 percent votes kumpara sa 15 percent na nakuha ng kalabang si  Jopet Sison at 13 percent naman para kay Roderick Paulate.

Ang poll na ito ay independent at non-commissioned at ituturing na “baseline” poll bago pa man magsimula nang opisyal ang kampanya, ayon sa pahayag ng #PahayagNCR.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with