Ito ang inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade matapos nilang atasan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa rollback.
Miguel de Guzman
P1 rollback sa pasahe sa jeep, aprub!
Angie dela Cruz, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bunsod ng sunud-sunod na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa ay balik na sa P9 ang minimum na pasahe sa public utility jeepneys (PUJs).

Ito ang inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade matapos nilang atasan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa rollback.

Kahapon ng hapon, ibinaba ng LTFRB ang Board Resolution No. 091, Series of 2018 na pinirmahan nina  LTFRB chairman Martin Delgra, at board members Engr. Ronaldo Corpus at Atty. Aileen Lourdes Lizada na nagbabalik sa P9 ang minimum fare sa passenger jeepneys sa Regions 3, 4 at National Capital Region (NCR) para sa unang apat na kilometro ng biyahe.

“The Board hereby resolves, as it is hereby resolved to ORDER a Provisional Rollback of PUJ  Minimum Fare to P9.00 for the first four kilometers for Regions 3, 4 and NCR,” nakasaad sa reso­lusyon.

“This provisional rollback of PUJ Fare rate is without prejudice to the letter request dated 23 October 2018 addressed to the Board and received on the same day, seeking to review the decision of the Board dated 18 October 2018,” dagdag pa sa resolusyon.

Ayon pa sa resolusyon, magiging epektibo ang naturang rollback sa pasahe sa lalong madaling panahon matapos na mailathala  ang kautusan sa mga pahayagan.

Ilalathala naman umano kaagad ito sa mga pahayagan ng LTFRB ngayong araw.

Matatandaan na bunsod nang sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo nitong mga nakalipas na buwan ay hiniling ng ilang transport group na taasan ang pasahe sa PUJs. Inaprubahan naman ito ng LTFRB na nagpatupad ng P10 minimum fare kamakailan.

Noong Oktubre ay buma­ba ang Dubai crude oil ng may 14 percent na mula sa average na $79 per barrel ay bumaba pa sa $68 per barrel ang crude oil noong Nob­yembre kayat nagkaroon ng serye ng rollback sa presyo ng petroleum products sa bansa.

Dahil sa serye ng rollback sa petrolyo humiling naman ng rollback sa pasahe ng  grupo ng commuters.

FARE HIKE PUBLIC UTILITY JEEPNEYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with