2 karnaper timbog sa Taguig
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kalaboso ang bagsak ng dalawang sinasabing karnaper matapos nilang tangayin ang motorsiklo ng isang rider, iniulat kahapon sa Taguig City.

 

Nakakulong ngayon sa Taguig City Police ang mga suspek na sina Joseph Ramilo, alyas “Joseph”, nasa hustong gulang at Adrian Calla, alyas “Ian”, 28-anyos.

Kinilala naman ang biktima na si Ariel Escol, 33, ng Brgy. Central Bicutan ng naturang lungsod.

Sa report na natanggap ng hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alexander Santos, alas-12:20 ng madaling araw nang karnapin umano ng mga suspek ang nakaparadang motorsiklo ng biktima na may plakang DC 89060 sa Paraiso St., Brgy. Central ng naturang lungsod.

Dahilan upang magharap ng reklamo ang biktima sa Taguig City Police.

Kaagad na nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek, na nagresulta nang pagkakaaresto sa mga ito.

KARNAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with