Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Noel Flores ang nasawi na si Sr. Insp. Manuel Taytayon, hepe ng Intelligence Division ng istas- yon matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib.
Pasay Intel chief dedo sa shootout
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2018 - 12:00am

Aarestuhing suspek todas din

MANILA, Philippines — Isang opisyal ng Pasay City Police ang nasawi nang mabaril ng inaarestong suspek sa pagpatay sa isang Grab driver noong nakaraang taon habang napatay naman ang suspek ng mga pulis makaraang mauwi sa shootout ang isinagawang operasyon sa naturang lungsod, kahapon.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Noel Flores ang nasawi na si Sr. Insp. Manuel Taytayon, hepe ng Intelligence Division ng istas- yon matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib.

Napaslang din naman ng mga pulis ang suspek na si Marc Delemios, wanted sa pamamaslang sa isang Grab driver noong Oktubre 2017.

Sa inisyal na ulat, alas-2:30 ng hapon nang mag-sa­gawa ng operasyon ang Intelligence Division sa pangu­nguna ni Taytayon nang mabatid na nagtatago ang suspek na si Delemios sa may Don Carlos Revilla St., Sto. Niño, Brgy. 148 sa naturang lungsod.

Agad umanong naalarma si Delemios sa pagdating ng mga pulis kaya nagawa niyang makapagpaputok ng baril habang nasa ikaapat na palapag ng isang bahay at mapuruhan si Taytayon.

Gumanti ng putok ang mga kasamahan ng opisyal na nagresulta rin sa pagkakapaslang sa suspek.

Nabatid na naging viral sa social media si Delemios nang mapatay niya ang Grab driver na si Gerardo Maquidato. Naaresto at nakulong ang suspek ngunit nagawang makatakas.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa naganap na barilan upang mabatid ang eksaktong naganap sa operasyon. 

GRAB DRIVER SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with