^

Metro

Shootout sa sementeryo: Tanod, 1 pa utas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Shootout sa sementeryo: Tanod, 1 pa utas
Nasawi sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang mga suspect na sina Feliciano R. Millos, barangay tanod ng Brgy. 148, Zone 16 ng nasabing lungsod at si Virgilio Villablanca Jr., taga Brgy. Bagong Silang Poblacion, Camarines Sur.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Bulagta ang dalawang umano’y drug personalities kabilang ang isang barangay tanod matapos makipagbarilan sa mga  tauhan ng Tactical Motorcycle Reaction Unit (TMRU) ng Pasay City Police sa loob ng isang sementeryo, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsd.

Nasawi sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril  ang mga suspect na sina Feliciano R. Millos, barangay  tanod ng Brgy. 148,  Zone 16 ng nasabing lungsod at si Virgilio Villablanca Jr.,  taga Brgy.  Bagong Silang Poblacion, Camarines Sur. 

Lumalabas sa report na natanggap ng hepe ng Pasay City Police na si Sr. Supt. Noel Flores, naganap ang insidente  alas-9:25 kamakalawa ng kagabi sa  Sgt. Mariano Public Cemetery sa panulukan ng Aurora Boulevard at Sgt. Mariano Sts.,  Brgy. 148 ng naturang lungsod.

Nabatid na nagpapatrulya ang mga kagawad ng Pasay City Police sa pamumuno ni Police Sr. Insp. Neil Deveratura,  nang may lumapit na isang residente at nagsumbong hinggil sa drug activities sa lugar. Nang puntahan ang lugar, nagulat ang mga pulis nang paputukan sila ng grupo ng kalalakihan dahilan upang gumanti sila, na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang drug personalities.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng insidente ang ilang sachet na naglalaman ng  shabu, isang kalibre .45 baril at isang kalibre .22 na baril.

Nagpapatuloy ang imbes­tigasyon ng mga pulis sa naturang insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with