^

Metro

Biker nalasog sa truck

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Biker nalasog sa truck
Nakilala ang nasawi na si Mark Anthony Cabulao, ng Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas.

MANILA, Philippines — Lasog ang  isang 38-anyos na lalaki makaraang makaladkad at magulungan siya ng isang dump truck nang mabunggo habang nagbibisikleta sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Mark Anthony Cabulao, ng  Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas. 

Nadakip naman ang suspek na si Estevan Balbiran, 37, truck driver, binata, at nakatira sa Brgy. Panungyanan, Gen. Trias, Cavite.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa kahabaan ng Road 10 sa Brgy. NBBS na ruta ng malalaking trak. Sakay ang biktima ng kanyang bike nang mabundol ng trak.

Nakaladkad pa ito  kasama ng kanyang bisikleta   hanggang sa tuluyang magulungan ng trak.  Huli na nang makapagpreno ang tsuper na si Balbiran dahil sa nagtamo na ng malubhang pinsala ang biktima.

Nahaharap ngayon si Balbiran sa kasong homicide through reckless imprudence sa Navotas City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

DRIME

DUMP TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with