^

Metro

P680K halaga ng droga, nakumpiska sa 2 ‘tulak’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P680K halaga ng droga,  nakumpiska sa 2 �tulak�
Nakilala ang mga suspek na sina John David Manaog, 34, ng Pansacola St., Mauban, Quezon at Datu Silungan, 19, ng Taguig City.

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P680, 000 halaga ng droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) mula sa dalawang ‘tulak’ ng droga na naaresto  sa  buy-bust operation sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina John David Manaog, 34, ng Pansacola St., Mauban, Quezon at Datu Silungan, 19, ng Taguig City.

Ang mga suspek, na kapwa kilalang drug pushers na nag-o-operate sa National Capital Region (NCR), ay inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)-District Special Operations Unit (DSOU), at District Drug Enforcement Unit (DDEU), dakong alas-11:15 ng umaga, sa ikalawang palapag ng isang fastfood store sa South Signal Village, Brgy. South Signal, Taguig City.

Sa ulat ng QCPD, isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nang makabili ng shabu sa mga suspek na nagkakahalaga ng P180,000, ay kaagad nang dinakma ang mga suspek. Nakumpiska mula sa mga suspek ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P680,000, cellular phone at buy-bust money.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with