^

Metro

Shootout sa UP: 2 ‘tulak’ utas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Shootout sa UP: 2 �tulak� utas
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga napatay na suspek na sina Ro­binry Magtarayo, alyas Suka, at Jeffrey Rodriguez, alyas Jeff, habang ang naaresto naman ay si Bernard Maravilla, 38, ng Sitio Arboretum, sa Brgy. UP Campus.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dalawang drug suspect ang nasawi habang arestado ang kanilang kasamahan nang manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. UP Campus sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga napatay na suspek na sina Ro­binry Magtarayo, alyas Suka, at Jeffrey Rodriguez, alyas Jeff, habang ang naaresto naman ay si Bernard Maravilla, 38, ng Sitio Arboretum, sa Brgy. UP Campus.

Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong alas-9:15 ng umaga nang magkasa ng buy-bust operation laban sa mga suspek ang mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU), Anonas Police Station (PS-9), at District Drugs Enforcement Unit (DDEU), sa kanilang tahanan sa Sitio Arboretum. 

Nakatanggap umano ng tip ang pulisya hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek, na pawang kilalang drug pushers sa kanilang lugar, kaya’t kaagad na nagkasa ng buy-bust sa kanilang tahanan.

Pumosisyon ang mga pulis sa paligid ng barung-barong ng mga suspek, ngunit habang patungo ang poseur buyer sa barung-barong ay bigla na lang umanong nakarinig ng mga putok ng baril ang mga awtoridad mula sa loob.

Maya-maya ay nakita nilang nagtakbuhan palabas ng barung-barong sina Rod­riguez at Maravilla.

 Hinabol ng mga awtoridad ang mga suspek na nagresulta upang maaresto si Maravilla, na sumuko nang makorner ng mga pulis, habang nanlaban naman si Rodriguez, at nang gantihan ng putok ng mga awtoridad ay nabaril at napatay.

Narekober ng mga pulis mula kay Rodriguez ang isang kalibre .45 pistola at isang pakete ng shabu naman ang nakuha mula kay Maravilla.

Nang busisiin nila ang loob ng barung-barong ay dito na nila natagpuang patay na si Magtarayo, na nakuhanan ng isang kalibre .38 revolver sa kanyang beywang. Nakakuha rin sila ng dalawang sumpak na may 12-gauge ammunition, at mga pakete ng shabu at drug paraphernalia sa loob ng barung-barong.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

UP SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with