^

Metro

Isnabero at abusadong drivers, tututukan ng IACT, MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Isnabero at abusadong drivers, tututukan ng IACT, MMDA
Kaugnay nito, umapela ang IACT at MMDA sa mga mananakay, na kaagad nilang i-report ang mga taxi driver na mahilig tumanggi at hindi nagpapasakay.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ikinasa na nang pinagsanib na pwersa ng Inter-agency Council for Traffic (IACT) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon kontra sa mga isnabero at abusadong taxi driver na kaugnay na rin sa nalalapit na Kapaskuhan.

Kaugnay nito, umapela ang IACT at MMDA sa mga mananakay, na kaagad nilang  i-report ang mga taxi driver na mahilig tumanggi  at hindi nagpapasakay.

Kaagad nilang tingnan ang pangalan ng taxi, plaka at dapat aniya may mga numiro ito at hotline ng LTFRB.

Sinuman aniyang taxi driver na mahuhuling isnabero o  tumatangging magsakay o nangongontrata ng pasahero ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad nang pagkansela ng prankisa, at revocation ng driver’s lisense.

Samantala, umapila naman ang MMDA sa mga barangay opisyal na linisin laban sa anumang uri ng traffic obstruction  ang 17 Mabuhay lanes.

Base sa datus ng MMDA, kapag nalalapit na ang Kapaskuhan, nasa 72,000  ang nadadagdag na behikulo  sa EDSA kaya  dapat lang na malinis ang  Mabuhay lanes dahil ito ang ginagamit na alternatibong ruta ng mga motoristang umiiwas sa trapik.

“Pag sinabi na nga hong Mabuhay lane, dapat ho wala pong nakaparada diyan. Depende na lang po kung may mga resolution doon naman sa ilang inner streets na pinapayagan po ‘yung one-side parking. Magkaibang bagay po ‘yun,” ani  MMDA spokesperson and Assistant Secretary Celine Pialago.

Papanagutin din ang mga barangay captain na hindi tumutulong para ma-clear sa anumang sagabal ang mga altertnatibong kalsada katulad ng Mabuhay lane.

 

vuukle comment

INTER-AGENCY COUNCIL FOR TRAFFIC

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with