^

Metro

7 sugatan sa banggaan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
7 sugatan sa banggaan
Nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang mga biktima kabilang ang driver ng multicab (TYG-528) na si Salvador Santiago Esguerra.

MANILA, Philippines — Pito katao  ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang multicab sa isang kotse, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang mga biktima kabilang ang driver ng multicab (TYG-528) na si Salvador Santiago Esguerra.

Lumalabas sa report na natanggap ng hepe ng Pasay City Police na si Sr. Supt. Noel Flores, naganap ang insidente alas-5:45 kahapon ng umaga sa panulukan ng Gil Puyat  at Macapagal Avenue ng naturang siyudad.

Nabatid na minamaneho ni Esguerra   ang nasabing multicab at pasahero nito ang anim na biktima at habang binabagtas ang naturang lugar mula east hanggang west direction nang makabanggaan nito ang isang Honda Jazz na may conduction sticker DQ-6564 na minamaneho naman ni Joselito Lustre Eguia.

Iniimbestigahan pa ng mga  awtoridad ang natu­rang aksidente.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with