^

Metro

Grab driver, timbog sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Grab driver, timbog sa droga
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang suspek na si Kristofer Jay Gavino, 37, residente ng Sampaloc, Manila.

Ebidensyang shabu nilunok

MANILA, Philippines — Isang driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) ang inaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kung saan ilang pakete ng shabu ang kanyang nilunok sa pagtatangkang itago ang mga ebidensya.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang suspek na si Kristofer Jay Gavino, 37, residente ng Sampaloc, Manila.

Dakong alas-9:00 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cubao Police Station (PS 7) at Philippine Drug Enforcement Agency National Capital Regional Office (PDEA NCRO), sa buy-bust ope­ration sa loob ng Room No. 18 ng Taxi Apartelle, na matatagpuan sa 281 P. Tuazon Blvd.,  Brgy. San Roque, Cubao.

 Nagpanggap ang isang pulis na buyer at bumili ng P500 halaga ng shabu mula sa target at nang magkaabutan na ng item at pera, agad na inaresto ang suspect.

Ayon kay SDEU chief, P/Senior Insp. Ramon Aquiatan, nang maaresto ay nilulon pa ng suspek ang ilang pakete ng shabu kaya’t siyam na pakete na lamang ang nakumpiska nila mula rito.

Isang buwan na nilang minamanmanan ang suspek na nagpapalipat-lipat ng apartelle bago naisagawa ang operasyon.

Naging emosyonal naman ang suspek na tumangging magbigay ng pahayag. 

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

TRANSPORT NETWORK VEHICLE SERVICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with