Nabatid kay Makati City Traffic Bureau investigator na si SPO2 Wilson Nacino, tinitingnan nila ang mechanical failure na dahilan ng pag-atras ng sasakyan.
facebook
SUV nahulog sa Pasig River: Executive ng PAG-IBIG sugatan
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sugatan ang Vice president for Operations ng PAG-IBIG-NCR matapos mahulog sa Pasig River ang sinasakyan nitong SUV sa Makati City noong Huwebes ng gabi.

Nasa stable condition na si Erlinda Francisco,  nang dalhin ito sa Saint Luke’s Hospital, BGC, Taguig City.

Wala namang nangyari sa isa pang pasahero na si  Bhecky Pangan  dahil  bumaba ito ng sasakyan para bumili ng gamot sa isang drug store.

Base sa report, naganap ang insidente pasado alas-10:00 ng gabi sa Northbound ng Guadalupe, Makati City.

Sabi ng hepe ng Makati City Police na si Sr. Supt. Ro-gelio Simon, naka-park sa naturang lugar ang isang Toyota Fortuner  nang bumaba ang driver nito na si  Luis Ponciano. 

Ngunit naiwang nakabukas ang makina ng sasakyan at nasa loob ang pasaherong si Francisco hanggang sa  umatras at nahulog ang naturang SUV sa Pasig River.

Ayon sa driver  na si Ponciano, bago aniya siya lumabas ng sasakyan ay  inangat muna  niya ang handbrake.

Nabatid kay Makati City Traffic Bureau  investigator na si SPO2 Wilson Nacino, tinitingnan nila ang mechanical failure na dahilan ng pag-atras ng sasakyan.

PASIG RIVER SUV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with