^

Metro

Street sweeper, patay sa sakal ng ka-live-in

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Street sweeper, patay  sa sakal ng ka-live-in
Sa ulat ni SPO3 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng bahay ng mag live-in sa Sta. Cruz, Maynila.

MANILA, Philippines — Utas ang isang 39-anyos na street sweeper nang sakalin dahil umano sa selos ng kinakasama  sa kainitan ng kanilang pagtatalo  sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Rosalyn Solia, habang pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang ka-live-in nitong si Marlon Felizarta Matura,   kapwa residente ng Rizal Avenue, Sta.Cruz, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Richard Escarlan ng  Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng bahay ng mag live-in sa Sta. Cruz, Maynila.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas si Felizarta, habang isinugod naman sa nasabing pagamutan ang biktima na idineklarang patay.

Selos ang sinasabing dahilan ng pag-aaway ng biktima at suspek ayon sa mga kapitbahay.

vuukle comment

CRIME

STREET SWEEPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with