^

Metro

Retired police, timbog sa gun running

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Retired police, timbog sa gun running
Kinilala ang inaresto na si dating PO3 German Riogelon, alyas Jun Muslim, at Boy Muslim, 56, at nakatira sa Araneta Avenue, Pa­ngarap Village, Brgy. 181 ng naturang lungsod.
File Photo

MANILA, Philippines — Bultu-bultong mga bala, pampasabog at mga baril ang nakumpiska sa poses­yon ng isang retiradong pulis sa ginanap na pagsalakay ng pulisya sa kanyang kuta sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala  ang inaresto na si dating PO3 German Riogelon, alyas Jun Muslim, at Boy Muslim, 56, at nakatira sa Araneta Avenue, Pa­ngarap Village, Brgy. 181 ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:12 ng madaling araw nang salakayin ng mga tauhan ng Regional Special Operations Units ng NCRPO ang bahay ng suspek at inihain ang search warrant na inilabas ni Judge Raymudo Vallega, ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 130.

Tinangkang harangin ng misis ng suspek na si Analiza Acta ang mga pulis at magsinungaling na wala sa loob ng bahay ang suspek.  Dito puwersahang pumasok ang mga pulis at nadiskubreng nagtatago lang sa loob ng bahay si Riogelon.

Dito tumambad at nakumpiska ng mga pulis ang isang M16 rifle, dalawang kalibre .45 pistols, isang cal. .38 revolver, isang granada at sari-saring bala para sa mga pistola at high powered rifles.

vuukle comment

GUN RUNNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with