^

Metro

5 ‘gun for hire’ timbog: Mga armas nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5 �gun for hire� timbog: Mga armas nasamsam
Ang mga narekober na matataas na uri ng armas at mga bala sa naarestong limang miyembro ng ‘gun for hire syndicate sa isi­nagawang serye ng ope­rasyon sa ibat-ibang lugar.
Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ibinulgar kahapon ng Philippine National Police (PNP) na hawak na nila ang listahan ng mga pulitiko at kandidato na gumagamit ng mga Private Armed Groups (PAGs) at gun for hire upang isulong ang kanilang pulitikal na interes kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo 2019.

Ito’y kasunod sa pagkakaaresto  sa limang pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na kidnapping at gun –for-hire gang sa serye ng operasyon sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Cagayan Valley.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, nasakote ng PNP–Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang limang miyembro ng ‘Peralta Gang’ na kinabibila­ngan nina  Dennis Matian, Mary Ann Mallari, Raymond Dequina, John Lana at Jackie Lou Isidro sa magkakahiwalay na operasyon mula Oktubre 25-29 ng taong ito.

Tinukoy naman ng PNP chief ang lider ng grupo na si Ricardo Peralta na pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad at may warrant of arrest sa mga kasong multiple murder, kidnapping, carnapping at highway robbery.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Albayalde na si Peralta, may patong sa ulo ng P5-M ay kasamahang akusado ni dating Gapan Mayor Ernesto Natividad sa kasong pagpatay kina Ericson at Ebertson Pascual sa Nueva Ecija cockpit noong 2006.

Nabatid na nagsisilbing gun for hire ng mga tiwaling pulitiko na kinabibilangan ng mga Mayor at gobernador ang grupo ni Peralta.

Narekober naman ng PNP-AKG operatives ang dalawang assault rifles, dalawang handguns, isang carbine, conversion kit, 22 sari-saring ATM at credit cards, apat na mobile phones, isang shotgun, isang granada at dalawang Improvised Explosive Device, tatlong Sports Utility vehicle  na gamit ng mga suspek.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with