^
6 illegal miners,  timbog sa BI
Ilang mga residente sa Marilao umano ang nagreklamo sa mga dayuhan hinggil sa kanilang illegal na pagmimina doon bukod pa sa reklamong pagkakasangkot sa illegal export business.

6 illegal miners, timbog sa BI

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Immigration ang anim na foreign nationals dahil sa pagkakasangkot sa illegal mining ope­rations at pagtatrabaho sa bansa na walang kaukulang permit.

Sa ulat ni Immigration Commissioner Jaime Morente ni  BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr. naaresto ang mga banyaga sa kanilang opisina sa Xiaobo Scrap Trading Co. sa Luasan St., Bgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan.

Kinilala ang mga naaresto na sina Cheng Yi Huang, Taiwanese, at Chinese nationals na sina  Junbo Deng, Yunli Zhou, Jun Li, Wei Lin, at Weike Qu.

Ayon kay Manahan, maliban kay Cheng na may valid resident visa, ang limang iba pang Chinese ay natuklasang overstaying at undocumented na sa bansa at bigong makapagrisinta ng kanilang pasaporte at iba pang travel documents.

Ilang mga residente sa Marilao umano  ang nagreklamo sa mga dayuhan hinggil sa kanilang illegal na pagmimina doon bukod pa sa reklamong pagkakasangkot sa illegal export business.

Nilinaw din nito na ang mga dayuhan na nais magtrabaho sa Pilipinas ay kailangang kumuha ng work permit sa Department of Labor and Employment (DOLE) at working visa mula sa BI.

BUREAU OF IMMIGRATION ILLEGAL MINING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with