Sinuri ng mga elemento ng LTO ang papeles ng mga bus na tutungo sa iba’t ibang destinasyon sa mga lalawigan at ininspeksiyon din ang mga ilaw, brakes at gulong ng mga bus para sa kaligtasan ng mga pasahero .
Miguel de Guzman
LTO, PDEA nag-ikot sa bus terminals sa QC
Angie dela Cruz, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2018 - 12:00am

Paghahanda sa undas

MANILA, Philippines — Dinadagsa na ng mga pasahero ang mga bus terminal  sa Quezon City partikular sa Cubao Araneta terminal at sa EDSA bus para  makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya para sa Undas.

Kahapon, magkasamang nagsagawa ng pag-iikot ang mga tauhan ng  Land Transportation Office (LTO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para tingnan at  inspeksiyunin  ang kaayusan ng  mga bus terminals  sa lungsod para matiyak na nagbibigay ng sapat na serbisyo sa mga mananakay.

Sinuri ng mga elemento ng LTO ang papeles ng mga bus na tutungo sa iba’t ibang destinasyon sa mga lalawigan at ininspeksiyon din ang mga ilaw, brakes at  gulong ng mga bus para sa kaligtasan ng mga pasahero .

 Isang driver naman na  pabiyaheng Naga City sa Bicol ang hindi nakapagma-neho kahapon dahil natuklasang paso na ang kanyang lisensiya.

Nagsagawa naman ng sorpresang drug test ang mga tauhan ng PDEA  sa mga bus drivers at isang driver ang nahuling positibo sa paggamit ng illegal drugs kaya’t hindi rin ito pinayagang makapagmaneho at inerekomenda    sa kinauukulang tanggapan para ito maaksiyunan.

Nabatid na round the clock ang gagawing pagmo-monitor ng LTO at PDEA sa mga bus terminals sa Metro Manila hanggang sa matapos ang paggunita sa Undas.

BUS TERMINAL LAND TRANSPORTATION OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with