^

Metro

35 pumuga sa Manila Youth and Rehab Center

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
35 pumuga sa Manila Youth and Rehab Center
Batay sa nakalap na impormasyon, dakong alas-2 ng madaling araw nang lagariin ng mga kabataan ang gate ng kanilang dormitoryo. Binabantayan ito ng house parents na sina Absolon Paz at Marialyn Ramiscal at tauhan ng City Security Force na si Bennie Alamariego.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Tatlumput-limang kaba­taan ang tumakas  mula sa Manila Youth and Rehabi­litation Center (MYRC) sa Compound ng Reception and Action Center (RAC), ayon sa ulat.

Batay sa nakalap na impormasyon, dakong alas-2 ng madaling araw nang lagariin ng mga kabataan ang gate ng kanilang dormitoryo. Binabantayan ito ng house parents na sina Absolon Paz at Marialyn Ramiscal at tauhan ng City Security Force na si Bennie Alamariego.

Lumilitaw na ang mga nakatakas ay may kasong murder, homicide, drugs at physical injury sa Manila Regional Trial  Court.

Sa panayam ng Pilipino Star Ngayon, natutulog uma­no ang house parents at tauhan ng  CSF kaya’t hindi namalayan ang pagtakas ng mga kabataang nakakulong. Posible aniyang matagal nang plinano ng mga preso ang pagtakas.

Agad namang inutos ni Manila Mayor Joseph Estra­da ang imbestigasyon sa kaso upang alamin kung sino ang responsable sa insiden-  te at dapat na papanagutin.

Sa ngayon, dalawang ka­bataan ang isinurender ng kanilang ina habang 33 pa ang pinaghahanap.

Hindi naman makontak si Luz Pangalangan, OIC ng  MYRC. 

vuukle comment

MANILA YOUTH AND REHABI­LITATION CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with