Nabatid na nitong Setyembre pa nakulong sa Makati City Jail si Atty. Augusto Eric Isidoro na naghain ng “not guilty plea” sa Makati City RTC, Branch 62 ala-1:00 ng hapon kahapon.
‘Not guilty plea’, inihain ng ex-NBI regional director
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2018 - 12:00am

Dawit sa p100-m shabu lab

MANILA, Philippines — “Not guilty plea” ang inihain kahapon sa Makati City Regional Trial Court (RTC) ng dating regional director ng  National Bureau of Investigation, Central Mindanao Regional Office (NBI-CEMRO) matapos itong  maharap sa kasong pakikipagsabwatan umano sa droga nang madiskubre ang isang mega shabu laboratory.

Nabatid na nitong Setyembre pa nakulong sa Makati City Jail si Atty. Augusto Eric Isidoro na naghain ng “not guilty plea”  sa Makati City RTC, Branch 62 ala-1:00 ng hapon kahapon.

Base sa record ng korte, nadiskubre ng mga awtoridad ang isang mega shabu laboratory hanggang sa nakakumpiska ay nasa P100 milyong shabu sa Virac, Catanduanes noong 2016.

Ang naturang pasilidad ay pag-aari umano  ng isang Sarah Sarmiento, na inuupahan naman ng isang Agelica Balmadrid,  na common law wife umano ni Isidoro.

Nabatid na si Isidoro ay nahaharap sa kasong “conspiracy to manufacture illegal drugs” kasama ang iba pang akusado na nakakalaya pa rin hanggang sa ngayon na sina Xian Xian Wang; Pido Bonito; Paolo Uy;  Jayson Uy; Paolo Palisoc, Phung Yuan Estorco at  Sheng Wang.

Kasama rin sa naaresto si Lorenzo Piñera II at kapwa sila nakakulong ni Isidoro sa Makati City Jail.

Ayon ito kay Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, head ng Department of Justice (DOJ) Task Force on Illegal Drugs Cases.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION REGIONAL TRIAL COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with