^

Metro

4 miyembro ng KFR, nalambat sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
4 miyembro ng KFR, nalambat sa NAIA
Pinadapa ng mga tauhan ng Airport Police at PNP-Anti-Kidnapping Group ang dalawa sa apat na suspek na umano’y miyembro ng kidnap-for-ransom group nang masakote sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) sa Pasay City habang matagumpay namang nailigtas ang dinukot nilang Chinese national.
(Photo courtesy of Airport Police and PNP-Anti Kidnapping Group)

Dinukot na Chinese, nailigtas

MANILA, Philippines — Natimbog ng mga otoridad ang apat na sinasabing miyembro ng isang kilabot na kidnap-for-ransom group kabilang ang isang mag-asawa at dalawang Chinese national habang nailigtas naman ang kanilang dinukot  na isa ring Chinese sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, noong Biyernes ng gabi.

Detinado na ngayon sa PNP-AKG sa Camp Crame sa Quezon City ang mag-asawang suspek na sina Jayson at Liezl Inojardo, at dalawang Chinese na kasapakat ng mga ito na sina Lou Jianzhong at Lou Zhi Giang.

Isinugod naman sa ospital ang biktimang si Zhirong Lin dahil na rin sa masamang kalagayan nito matapos na dukutin ng mga suspek at takutin ang kanyang pamilya na may mangyayaring masama kapag hindi nagbigay ng ‘ransom money’ kapalit ng buhay.

Napag-alaman, nakatanggap ng intelligence report ang mga otoridad na magkakaroon ng transaksiyon ang grupo ng KFR kasama ang kanilang biktima at magkikita sila sa isang parking lot ng NAIA terminal 3.

Dahil dito ay agad na iki­nasa ng PNP-AKG sa pakikipagtulungan ng airport policemen ang rescue operation sa paligid ng NAIA terminals habang nagsasagawa ng check-point ay namataan ang isang silver Toyota Innova na may plate number ARA-3842 at tangkang umiwas sa random inspection.

Nang harangin at pa­babain ng mga otoridad ang mga nakasakay dito nakita nila ang mga suspek batay na rin sa description ng dalawang anak ng biktima na kasama sa rescue operation.

Sa kabila nito ay patuloy pa ring nagsasagawa ng follow-up operation ang mga otoridad sa lalawigan ng Laguna dahil nandoon umano ang ilang kasamahan ng mga suspek na kabilang sa sindikato.  

vuukle comment

KIDNAP-FOR-RANSOM GROUP

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with