^

Metro

Riverwalls vs storm surge, baha itinayo sa Navotas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasinayaan kahapon ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang bagong tayong riverwalls sa isang barangay sa lungsod na pangunahing depensa ng mga residente sa malalakas na “storm surges” at pagbabaha.

 

Pinamunuan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbubukas ng naturang proyekto sa Brgy. Sipac-Almacen kasabay ng mga mas malalaking kanal sa Brgy. San Roque upang makatulong sa paglaban sa taunang pagbabaha sa lungsod.

Kasabay nito, nanawagan si Tiangco sa mga residente ng ibayong disiplina lalo na sa pagtatapon ng mga basura na napupunta sa mga drai­nage at mga kanal na siyang dahilan ng pagbabaha sa kanilang lungsod.

“Maging disiplinado at ituro ito sa inyong mga anak. Ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura. Iwasang magtapon ng kalat sa mga daan at kanal para hindi ito maging dahilan ng pagbaha,” ayon kay Tiangco.

Kasama sa flood control and mitigation system ng Navotas ang mga coastal dike at riverwall, pati na ang mga inayos na drainage canals at mga pumping station.
Nitong nakalipas na bagyo, muling nakaranas ng mataas na baha ang coastal city ngunit mas naging mabilis naman ang paghupa dahil sa pumping stations.

vuukle comment

RIVERWALLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with