^

Metro

Quezon City Science High School, binulabog ng bomb threat

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabulabog ang klase ng mga mag -aaral sa Quezon City Science High School kahapon ng umaga dahil sa isang  bomb threat.

 

Sinabi ni Edna Bañaga, principal ng paaralan, alas-7 ng umaga nang makita ng isa nilang estudyante ang  liham na nakapaskil sa comfort room ng mga babae na may nakasulat na  ‘may bombang sasabog sa lugar’.

Bunga nito, agad namang ipinagbigay alam ng mag- aaral sa principal ang impormasyon kaya’t agad nagpatawag ng pulis

Kasabay  nito,  isa-isa namang pinalabas ng principal mula sa kanilang silid-aralan ang mga mag-aaral para makaiwas sa anumang epektong dulot ng bantang pagpapasabog.

Nang dumating ang QC  Police District bomb squad sa lugar at matapos ang pagsusuri sa mga silid ng paaralan ay wala naman ang mga itong nakitang bomba

Matapos ang masusing pag-inspeksyon idineklarang negative ang bomba kaya’t agad na pinabalik ang mga mag- aaral sa kani-kanilang silid aralan pasado alas-8 ng umaga kahapon at nagpatuloy ang kanilang mga klase.

vuukle comment

BOMB THREAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with