^

Metro

4 karnaper bulagta sa shootout

Joy Cantos, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
4 karnaper bulagta sa shootout

MANILA, Philippines — Bulagta ang apat na pi­nag­hihinalaang karnaper nang makipagbarilan sa mga tumutugis sa kanilang mga pulis sa magkahiwalay na insidente sa Maynila at Quezon City.

 

Sa Quezon City, sinabi ni QCPD  director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., dakong ala-1:35 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa pagitan ng Police Station (PS) 4 operatives at ng mga suspect sa kahabaan ng Midway Street, Brgy. Gulod Foresthills.

 

 Isa sa mga napatay na suspect ay inilarawan na nasa 30-35 anyos, katamtaman ang pangangatawan na nakunan ng isang cal. 45 pistol habang ang isa pa ay nasa pagitan din ng 25-30, katamtaman ang pangangatawan kung saan narekober naman sa tabi ng bangkay nito ang isang cal. 38 pistol.

Bago ito una nang nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa kahinahinalang presensya ng dalawang nakamotorsiklong  mga suspect na gumagala sa lugar.

 Nang maberipika ang impormasyon, dakong ala-1:35 ng madaling araw ay nagresponde ang mga awtoridad na akmang sisitahin pa lamang ang mga suspect ay nagtangka ng tumakas na hinabol ng mga pulis pero nang makorner ay pinaputukan na ang mga parak na nauwi sa pagpapalitan ng putok sa magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng shootout ay magkakasunod na duguang tumimbuwang ang mga suspect na kapwa nasawi sa insidente.

Ayon pa sa opisyal ang mga suspect ang responsable sa mga holdapan at nakawan ng motorsiklo sa Novaliches  ng naturang siyudad.

 Nakumpiska rin sa encounter site, ayon pa kay Esquivel ang isang TBS motorcycle at isang Ruzi motorcycle na kapwa walang plaka.

Samantala, sa Maynila dalawa ring motornapper ang nasawi matapos na manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang tangkain silang parahin at sitahin dahil sa motorsiklong kanilang tinangay sa isang babae sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ang mga suspek ang isa na nasa edad 20-25, may taas 5’4, may tattoo na “Everything for a reason” sa dibdib at “Raul” sa kanang braso, nakasuot ng maroon  na short pants at berdeng t-shirt.

Habang ang isa naman ay nasa edad 25-30,may taas 5’4-5’7,nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt at checkered na short pants.

Sa  report ni Det. Charles John Duran ng MPD-Homicide section, naganap ang insidente dakong alas 3:50  ng hapon  sa panulukan ng Road 10 at Scarborough Tondo kung  saan pinara at sinita ang dalawang suspek dahil sa tinangay nilang  kulay puti at asul  na Jaing Well 125 na motor  na pag-aari ng biktimang si Marhorie Munoz, 19, ng Tambunting St. Sta. Cruz, Maynila.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya kung saan namataan ang mga suspect   dahilan para habulin ang mga ito pero sa halip na sumuko ay pinaputukan ang mga pulis na gumanti rin ng putok at ikinamatay ng dalawang suspect.

Naisugod pa ang dalawa sa Tondo Medical Center  pero idineklarang dead on arrival. Nakuha sa mga suspek ang isang .38 revolver.isang .9mm at limang sachet ng shabu at ang motorsiklo ng biktima.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with