Kinilala ni Eastern Police District ang naarestong pugante na si Alberto Unay, 40, residente ng 835 Nueve de Pebrero St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City.
File
Convicted drug personality na wanted, arestado
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang convicted drug personality na matagal nang nagtatago sa batas ang nalambat ng mga otoridad nang matiyempuhang umuwi sa kanilang tahanan sa Brgy. Mauway, Mandaluyong City, kahapon.

Kinilala ni Eastern Police District ang naarestong pugante na si Alberto Unay, 40, residente ng 835 Nueve de Pebrero St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi, armado ng warrant of arrest na inisyu ni Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) Branch 213 dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga otoridad nang isagawa ang pagsalakay.

Sa rekord ng hukuman, nabatid na si Unay ay una nang nahatulang mabilanggo ng mula 12 hanggang 17 taon ng Mandaluyong RTC dahil sa drug charges noong 2017 ngunit hindi ito nabilanggo at sa halip ay nagtago.

Nakatanggap naman ng report ang pulisya na nakikita ang suspek na umuuwi sa kanilang tahanan pagsapit ng gabi kaya’t inabangan ng mga otoridad na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

REGIONAL TRIAL COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with