_ngayon
^

Metro

Wanted pumalag sa aresto, patay sa engkwentro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Wanted pumalag sa aresto, patay sa engkwentro
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang napatay na suspek na si Kerwin Lumayog, 38, ng Brgy. Pasong Tamo habang ang mga sugatan naman ay sina PO1 Marvin Pagaduan, 28, na nagtamo ng tama ng bala sa kanang hita, at Jayson Erguiza, 24, at residente ng Brgy. Pasong Tamo, na tinamaan naman sa kanang pulso.
File Photo

MANILA, Philippines — Utas ang isang drug suspect, na wanted sa kasong pagnanakaw at pagpatay,  habang sugatan naman ang isang pulis at isang sibilyan, nang mauwi sa engkwentro ang pagsisilbi sana ng mga awtoridad ng warrant of arrest laban sa una sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, kamakalawa.

 Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang napatay na suspek na si Kerwin Lumayog, 38, ng Brgy. Pasong Tamo habang ang mga sugatan naman ay sina PO1 Marvin Pagaduan, 28, na nagtamo ng tama ng bala sa kanang hita, at Jayson Erguiza, 24, at residente ng Brgy. Pasong Tamo, na tinamaan naman sa kanang pulso.

 Nauna rito, dakong alas-5:30 ng hapon ay sisilbihan sana ng mga tauhan ng Talipapa Police Station (PS 3), ng dalawang warrants of arrest si Lumayog dahil sa kasong robbery with homicide, na inisyu ni Judge Manuel B. Sta. Cruz, ng Quezon City Regional Trial Court Branch na walang piyansa, at paglabag sa Republic Act 9165, na inisyu ni Judge Elvira DC. Panganiban, ng QC Branch 227, na may piyansang P200,000.

Naispatan ng mga pulis ang suspek sa Major Marcos St., sa Brgy. Pasong Tamo, sakay ng motorsiklo ngunit nang lalapitan na nila ito upang arestuhin ay nakahalata at kaagad na nagbunot ng baril at nagpaputok sa direksyon ng mga awtoridad. 

Dito ay kaagad nang tinamaan sina PO1 Pagaduan at Erguiza, na nagkataong nasa lugar nang maganap ang shootout.

 Gumanti ng putok ang mga awtoridad sa suspek, na tinamaan ng bala at naisugod pa sa Quezon City General Hospital ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

 Narekober naman ng mga pulis mula sa suspek ang isang kalibre .38 baril na may tatlong bala, anim na pakete ng shabu, cellphone at isang coin purse na may limang bala para sa kalibre .38 revolver, P250 cash at isang unit ng Mio Sporty Motorcycle na walang plaka.

DRUG SUSPECT SHOT DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with